Pwede mo ba akong pagbigyan?
Ngayon lang. Makinig ka lang.
Gusto kong marinig mo ang lahat ng isisigaw nitong puso ko.
Hindi ko kailangan ng pangunawa mo ngayon.
Gusto ko lang malaman mo.
Gusto ko lang na magkaroon ka ng ideya tungkol sa’kin.
Gusto ko lang malaman mo kung gaano kalaki ang epekto mo sa buhay ko.
Gusto ko lang malaman mo kung gaano ako kasaya na dumating ka sa buhay ko.
Gusto ko lang din na malaman mo ang bawat kirot at sakit na pinadama mo sakin noong iniwan mo ko.
At higit sa lahat, gusto ko lang malaman mo na sa lahat ng ito, hinding hindi ako nagalit sa’yo.
At magpapatuloy ang mga ngiti ko.. Pangako.
.....
Intro pa lang yan darling. Hindi pa talaga yan yung gusto kong sabihin. Nagustuhan mo ko dahil madaldal ako.. At ngayon, papatunayan ko lang sa’yo kung gaano ko pa kayang dumaldal.
Game na? Raks on.
No comments:
Post a Comment