Tuesday, November 16, 2010

11/16

Problema.
Nakakahiya mang aminin, pero oo, kasalukuyan na kong kinakain ng problema. Ramdam ko ang paglamon nito sa aking mumunting pagkatao. At mas nakakahiya mang aminin, pero oo, ikaw yung problemang ‘yun.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakali. Nararamdaman ko ang sapilitang pagpupumiglas ng mga salita sa bibig ko. Gusto nilang kumawala at tumakbo diretso sa utak at puso mo. Pero hindi nila magawa, dahil ayaw ng kanilang amo.

Kung pwede ko lang isulat lahat ng nararamdaman ko sa isang papel, itatapon ko ito sa isang ilog at hahayaang mabasa at unti unti itong matunaw habang patuloy na umaagos papunta sa malawak na karagatan kung saan ay walang makakakita at makakapansin dito. At tuluyan na din itong mabubura sa aking alaala.

Oo na. Alam ko na. Wala pa ding saysay mga pinagsasabi ko dito. Alam ko hindi mo pa din maintindihan. Madalas mo kasing ginagamit ang kabobohan panakip sa kamanhidan mo. O vice versa? Ewan. Basta ang alam ko lang, manhid ka. One hundred one percent, true-blooded, manhid.




Itutuloy.

No comments:

Post a Comment