Friday, November 19, 2010

After the storm.

At pagkatapos ng isang malakas na ulan, dumating ang isang napakagandang bahaghari. Ngunit katulad ng lahat ng bahaghari, panandaliang saya lang ang maibibigay nito.
Ang kasiyahang magsasabing natapos na ang bagyo,
ang araw ay babangon at muling maghahari sa kalangitan.

Ang tao ay matutulala, habang pinapanood ang untin unting paglaho nito.




Sa buhay ko, ikaw siguro yung rainbow ko. Pinakita mo lang sa akin na tapos na ang bagyo, at ipinadama mo lang sa akin na masaya ang buhay. Pero heto ka, katulad ng lahat ng rainbow, ay nawala. Biglaan. Walang pasabi.

Salamat sa'yo, dahil kahit sa sandaling panahon ay napasaya mo ako.
Maraming, maraming salamat. :)





Kailan kaya sisikat ang araw?
Sisikat pa ba ito?





No comments:

Post a Comment