Hindi ko hindi sinabi. Tinago ko lang.
Bakit ko ba tinago?
Hindi dahil gusto ko lang magpa cute.
Tinago ko lahat.. Para sa'yo.
Kasi gusto kong maging masaya ka.
Sabi ni Quickmelt, "do not cause him even the slightest grief".
Ayokong ma-burden ka dahil sakin. Gusto kong gawin mo yung mga bagay na sa tingin mo ay magpapasaya sa'yo. Dahil kuntento na kong malaman at makita na masaya ka. Kung hindi mo naitatanong, gustong gusto ko yung ngiti mo. Ayokong mawala yung mga ngiti na yan sa'yo dahil lang sa'kin. Importante sakin yung mga bagay na makakapagpasaya sa'yo. Kung sila yun, edi cool. Basta masaya ka, doon lang ako.
'Nga pala, natutunan ko na ding kontrolin yung nararamdaman ko. Kaya wag ka mag-alala, sa susunod na magkasalubong tayo, chill na 'ko. :)
Awesoooooooooooooooooome :)
No comments:
Post a Comment