Wednesday, October 27, 2010

nauubos din ang tuwa.

ikaw,
alam mo ba na sa kadaldalan niyang iyon, kapag kaharap ka na niya, umuurong na ang lahat ng mga ideya na gusto niyang sabihin? sa tuwing makakaharap ka niya, ang mga salita ay parang usok na nanggagaling sa isang masarap na lutuin, unti unting nawawala at hinihigop ng mga taong nais malasap ang sarap nito. naiisip pa lamang niya na kakausapin mo siya, ay agad na lulutang ang kanyang isip, babaluktot ang dila, at tuluyan ng hindi makakapagsalita. nakakatawang isipin na ang isang gaya niya, ay aabot sa ganitong sitwasyon. pero malabong tao siya, at alam mo yan.

malabo. iyan yung naging "kayo". oops.. wala palang naging "kayo". nagkaron lang ng "kayo" sa panaginip niya.

halos isang buwang panaginip.

panaginip na nagbigay sa kanya ng tunay na kasiyahan.
panaginip na nagdala sa kanya sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan.
panaginip na nagalis ng madaming sakit na naramdaman niya noon.
panaginip na nagpatunay sa kanya na isa pa rin siyang tao: iibig, at di kalaunan, masasaktan.


.. at tulad ng ibang panaginip, kailangan itong magwakas.
kailangang gumising at harapin ang isang panibagong araw na magdadala sa kanya sa maraming magagandang lugar at magpapakilala sa kanya ng maraming mabubuting tao.


sa ngayon, siya ay magpapadala muna sa agos ng panahon..
at sigurado siyang hindi siya papabayaan ng kanyang Amang Diyos.

No comments:

Post a Comment